WebClick Tracer

Utol ni Carlos Yulo humakot ng ginto sa 2023 Palarong Pambansa

Sumusunod sa yapak ni two-time Filipino world champion Carlos Yulo ang kanyang kapatid na si Karl Eldrew Yulo.

Habang sinusulat ito’y si Karl Eldrew ang may pinakamaraming nasungkit na gintong medalya sa ginaganap na 2023 Palarong Pambansa.

Naghari sa apat na apparatus ang 15-anyos na kapatid ni Carlos – sa horizontal bar, floor exercise, vault at pommel horse.

Nakakolekta na siya ng anim na gold medal sa secondary boys’ artistic gymnastics.

Pinangunahan din niya ang National Capital Region (NCR) sa team title matapos makuha ang gold medal sa individual all-around.

Dahil dito, umakyat sa tuktok ng medal tally ang NCR sa 46 gold, 43 silver at 34 bronze.

(IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on