WebClick Tracer

Team USA ipinasilip ang uniporme para sa FIBA World Cup

Ipinakita na ng Team USA ang kanilang gagamitin na uniporme para sa paparating na FIBA World Cup.

Sa ibinahagi nilang mga larawan, makikitang ilang manlalaro na ang sinukat at isinuot ang kanilang uniporme. Si Paolo Banchero, Tyrese Haliburton, Austin Reaves at Jaren Jackson Jr. ang makikitang nakasuot na ng uniporme.

Ang FIBA World Cup ay gaganapin sa Pilipinas, Japan at Indonesia mula Agosto 25 hanggang Setyembre 10.

Bukod kay Banchero, Haliburton, Reaves at Jackson Jr., sina Mikal Bridges, Cam Johnson, Brandon Ingram, Bobby Portis, Anthony Edwards, Josh Hart, Walker Kessler at Jalen Brunson ay parte rin ng nasabing koponan.

Makakatapat ng USA sa Group C ang Jordan, Greece at New Zealand. (CS)

See Related Story Here:

Team USA nagsimula na mag-practice para sa FIBA World Cup

TELETABLOID

Follow Abante News on