WebClick Tracer

Savings ng panganay ni JV Ejercito, nalimas ng mga scammer

Nawalang parang bula ang ipon ng panganay na anak ni Senador Joseph Victor ‘JV’ Ejercito na si Emilio nang mabiktima ng mga scammer matapos magparehistro ng kaniyang subscriber identity module (SIM) card.

“My son recently, naku, ‘yung kanyang savings ng ilang taon nung nagtatrabaho na, nalimas. Na-scam,” pahayag ni Ejercito sa online interview ng mga reporter.

Duda ng senador ‘inside job’ ang nangyari dahil alam ng mga sindikato ang lahat ng impormasyon ng kaniyang anak tulad ng birthday at house address. Nangyari rin umano ito matapos kumuha ng credit card ang kaniyang anak na si Emilio.

“Nung nabigyan s’ya ng credit card after nun may mga tumawag na sa kanya, asking for information. Ang nakapatagtaka, alam n’ya ‘yung info eh kaya sabi kong inside job. Alam ‘yung mga background lahat,” lahad ni Ejercito.

“Siyempre itong bata, being naive pa siguro akala niya talagang legit kasi nga alam ‘yung information niya kasi alam kung saan siya nakatira, birthday, parents, lahat, school, nabigay niya ‘yung OTP (one time password),” saad pa niya.

Dahil doon, nawala ang savings ni Emilio bangko na mahigit P120,000.

“To cut the story short, nalimas ‘yung kanyang savings ng ilang taon kong binibigay sa kanya. Matipid tong bata eh. Hindi gumagastos, talagang ‘pag binibigyan ng pamasko o birthday talagang tinatago niya. P100,000 yata ‘yun, P120,000,” kuwento pa ng senador.

Sabi ni Ejercito, nai-report na nila cybercrime division ng National Bureau of Investigation ang insidente. (Dindo Matining)

See Related Story Here:

Gatchalian, JV Ejercito: Overseas trips ni PBBM may kapalit ng investment pledges

TELETABLOID

Follow Abante News on