WebClick Tracer

Rep. Co: Pagtatayo ng TESDA centers, tulay patungo sa pag-abot ng pangarap

Ang pagtatayo umano ng mga Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) training center ay nakatutulong sa pagbuo ng pangarap ng mga Pilipino.

Ito ang sinabi ni House Committee on Appropriations chairperson at Ako Bicol party-list Rep. Elizaldy Co na naghain ng dalawang panukala na nagtatayo ng TESDA Training and Assessment Centers sa bayan ng Manito at Rapu-rapu sa Albay.

Ayon kay Co ang pagtatayo ng TEDSA centers ay maituturing na isang mamumuhunan para sa hinaharap.

“Education is the cornerstone of progress, and by providing accessible technical training, we can equip our people with the skills they need to thrive in the modern world,” sabi pa ni Co.

Sa pamamagitan ng pagbibigay umano ng dagdag kakayanan sa mga residente, sinabi ni Co na nababawasan ang pangangailangan na ayudahan ang mga ito ng gobyerno at sila ay makatutulong sa pag-unlad ng kanilang komunidad.

“The benefits of the proposed centers extend beyond mere economic gains; they are also deeply personal and transformative. By providing residents with specialized technical training, the bill enables them to find meaningful employment in industries they are passionate about, resulting in reduced unemployment and increased job satisfaction,” dagdag pa ng mambabatas.

Iginiit ni Co na ang mga mambabatas ay mayroong responsibilidad na tulungan ang kanilang mga nasasakupan na umunlad ang pamumuhay.

Sinabi ni Co na suportado ng iba’t ibang stakeholder ang kanyang panukala.

“They recognize that these bills are not just about establishing centers; it is about building bridges between dreams and reality, between aspirations and achievements,” dagdag pa ng mambabatas.

(Billy Begas)

TELETABLOID

Follow Abante News on