WebClick Tracer

Power outage sa Basilan pinasisilip sa Kamara

Isang resolusyon ang inihain sa Kamara de Representantes upang paimbestigahan ang mga power outage sa Basilan na lubha umanong nakakaapekto sa mga residente ng probinsya.

Inihain ni Basilan Rep. Mujiv Hataman ang House Resolution 1157 upang silipin ang operasyon ng Basilan Electric Cooperative (BASELCO), na ang prangkisa ay mag-e-expire sa 2028.

“Imagine the operations of hospitals, dialysis centers, birthing clinics and other health institutions in a situation where almost every two to three hours, there is a power failure. Isa lamang itong halimbawa ng malaking epekto ng power outages sa mamamayan,” sabi ni Hataman.

Batay umano sa compliance report ng BASELCO sa unang quarter ng 2022, nakararanas ang mga siniserbisyuhan nito ng 90.70 beses na power outage kada taon.

Marami rin umanong mga negosyante ang nagdadalawang isip na magtayo ng negosyo sa Basilan dahil sa hindi maaasahang suplay ng kuryente.

“There is a need for Congress to decide whether or not to renew its franchise for another 50 years … or to look at other options such as the creation of a separate electric cooperative for Isabela City or granting the franchise to a private Distribution Utility,” dagdag pa ng mambabatas.

Ayon sa resolusyon, umaabot umano sa P3.2 bilyon ang utang ng BASELCO sa National Power Corporation (NPC).

“Capital expenditures have been minimal or non-existent for nearly 20 years due to high debt servicing rates and inadequate revenue earnings of BASELCO,” sabi sa resolusyon. (Billy Begas)

See Related Story Here:

Yamsuan nakukulangan sa sorry ng Meralco sa NAIA power outage

TELETABLOID

Follow Abante News on