WebClick Tracer

Paglikha ng jobs creation plan pinatutukan sa Kamara

Kamara

Pinatututukan sa Kamara de Representantes ang panukala na maglalatag ng plano upang maging akma ang mga pag-aaralan ng mga estudyante sa mga trabaho na maaari nilang mapasukan sa hinaharap.

Binigyan-diin ni House Committee on Labor and Employment chairperson at Rizal Rep. Fidel Nograles ang kahalagahan ng panukalang Jobs Creation Plan (JCP) sa mabilis na pagbangon ng bansa mula sa epekto ng COVID-19 pandemic.

“We need to institutionalize and expand the current National Employment Recovery Strategy (NERS) and establish a JCP, which would help us address the various labor, social, and economic issues that have cropped up during the pandemic,” sabi ni Nograles.

Sa susunod na linggo ay sasalang na sa botohan ng Kamara de Representantes ang panukalang Trabaho Para sa Pilipino Act (House Bill 8400) kung saan nakapaloob ang pagtatayo ng Inter-Agency Council for Jobs and Investments na gagawa ng medium at long term na JCP.

Ang panukalang inter-agency council ay bubuohin ng National Economic and Development Authority, Department of Trade and Industry, Department of Labor and Employment, Technical Education and Skills Development Authority, Department of Budget and Management, Department of Finance, Department of the Interior and Local Government at mga kinatawan mula sa mga employers’ organization, labor group, marginalized sector at informal sector. (Billy Begas)

See Related Story Here:

2 sa 9 na nalalabing LEDAC priority tinapos ng Kamara

TELETABLOID

Follow Abante News on