WebClick Tracer

Mga atleta hahandugan ng Konsiyerto sa Palasyo

Ilalarga ng Malacañang sa darating na Linggo, August 6, 2023 ang ikalawang Konsiyerto sa Palasyo na alay para sa Filipino athletes.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), tinatayang 300 mga atleta ang magiging panauhin sa Kalayaan Grounds sa Malacañang.

Magiging tampok sa konsiyerto ang mga Filipino artist na sina Chlooe Redondo, Emman Buniao, Jopper Ril at Kevin Taquenia.

Inaasahang magpapakita rin ng husay ang beatbox artists na sina Adrian ” AD BEAT” Ferrer at Neil Rey Llanes, at iba pa.

Ang mga artist na sasalang sa concert ay mga kilala sa social media at may viral videos na nagpakita ng kanilang husay at kakayahan sa pagkanta.

Ang concert ay proyekto ng Office of the President, PCO at Radio Television Malacañang.

Unang inilarga ang Konsiyerto sa Palasyo noong April 22,2023 na inialay sa mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines.

Aasahan ang mga susunod pang kahalintulad na aktibidad na gagawin sa iba’t ibang bahagi ng Malacanang at upang mabigyang pagkakataon ang publiko na makapasok at mabisita ang Malacanang. (Aileen Taliping)

See Related Story Here:

PAF reservist Arci Muñoz, proud na kasali sa unang ‘Konsyerto sa Palasyo’ para sa AFP

TELETABLOID

Follow Abante News on