WebClick Tracer

Hirit na confidential fund ng mga ahensiya nauso na – Ejercito

Asahang bubusiin ng mga mambabatas ang 2024 national budget lalo na’t maraming ahensiya ng gobyerno ang nagre-request ng confidential fund, ayon kay Senador Joseph Victor Ejercito.

“Bakit parang nauso na? Bakit lahat biglang humihingi na ng intelligence fund? So we wiil ask them during the budget season, for what purpose?” tanong ng Senate Deputy Majority Leader sa virtual interview ng mga reporter.

Sa panukalang 2024 national budget, nakapabloob doon ang P10.14 bilyon confidential and intelligence funds (CIF) para sa piling ahensiya ng gobyerno, kabilang ang P4.56 bilyon para sa Office of the President.

Sabi ni Ejercito, maaring magsagawa sila isang executive session para matukoy kung paano gagamitin ng mga ahensiya ng gobyerno ang panukala CIF sa susunod na taon.

Nais ni Ejercito na malaman kung kailangan ba talaga ng malaking confidential fund para sa DepEd sa kabila ng pahayag ng gobyerno na humina na ang insurgency bansa.

“’Yun ang purpose ng DepEd to counter itong recruitment on schools and our youth. We will also ask if it’s still necessary to have that big intelligence fund and for what purpose,” ani Ejercito.

Dagdag pa niya, hihimayin din ng Senado ang panukalang secret funding para sa Department of Agriculture (DA).

“Tatanungin din natin sila kung para saan? Is it to counter smuggling, profiteering? Eh ang problema po sa kanila, alam naman nila sino po ang nagho-hoard dyan,” ani Ejercito.

“Alam naman nila kung sino nag smuggle so para saan pa yung intelligence fund?”’ tanong pa niya.

(Dindo Matining)

TELETABLOID

Follow Abante News on