WebClick Tracer

Halos 3 buwang water interruption sa Las Piñas, Bacoor, Imus ilalarga

water interruption

Maagang penitensiya ang kakaharapin ng mga residente sa ilang lugar sa Las Piñas City, Imus City at Bacoor City dahil sa nakatakdang araw araw na water interruption na ipapatupad ng Maynilad simula August 8 hanggang November 2, 2023.

Batay sa inilabas na abiso ng Maynilad, mawawalan ng supply ng tubig simula alas singko ng gabi hanggang alas sais ng umaga .

Ayon sa water company, papalitan ang 11 sa 14 na ultrafiltration membranes sa Putatan Water Treatment Plant 2 upang mapanatili ang optimum filtration capacity nito.

Pinapayuhan ang mga customers ng Maynilad na simulan na ang pag-iipon ng tubig at dagdagan ang pasensiya sa nakatakdang water interruption simula sa Martes sa susunod na linggo.

Ang mga makakaranas ng mahabang water interruption kada araw ay ang mga sumusunod na lugar:

Las Piñas City:

Talon Singko, Almanza Uno, Pilar at Talon Dos

Bacoor City:

Molino Dos, Molino tres, Molino IV, Molino VI, Molino VII, Queens Row Central, Queens Row East, Queens Row West at San Nicolas III.

Imus City:

Pasong Buaya I at Pasong Buaya II.

(Aileen Taliping)

TELETABLOID

Follow Abante News on