WebClick Tracer

Gatchalian, JV Ejercito: Overseas trips ni PBBM may kapalit ng investment pledges

Walang nakikitang masama sa pagtaas na pondo para sa magiging biyahe ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., lokal man o internasyonal, para sa susunod na taon.

Ayon kay Senador Sherwin Gatchalian, bagama’t bilyong piso ang inilaan para sa biyahe ng Pangulo, kapalit naman nito’y bilyong pisong halaga din ng investment pledges para sa bansa.

Mula umano nang maupo ang Pangulo noong nagdaang, umabot ng 120 porsyento ang itinaas na investment para sa Pilipinas.

“Looking at the data, the pledges went up by about 120%. From the time President BBM came into his administration, that’s quite a big jump,” pahayag ni Gatchalian sa panayam ng CNN Philippines.

“But these are pledges, admittedly, we have to translate that into real investment. But the pledges, it starts from pledges onto the different investment promotion agencies,” dagdag niya.

Sabi ni Gatchalian, nangangahulugan lamang ito na ang mga nagdaang biyahe ni Marcos sa ibang bansa ay nagbubunga dahil nakakahikayat ito sa mga foreign investor na mamuhunan sa Pilipinas.

“It’s 100%. Almost more than doubled. So, in other words, in my analysis, the trips, the past trips of the president are bearing fruit by attracting interest to our country, by attracting pledges to invest in our country,” saad ni Gatchalian.

“Now, the biggest question and the biggest challenge is when the actual investment will come in. To follow through to those investments. But in terms of attracting interest, especially investors to come in, it seems to me that the trips are bearing fruit,” saad pa niya.

Sa isinumiteng 2024 National Expenditure Program ng ehekutibo sa Kamara na mula sa P 893.87 million na pondo nitong 2023 ay magiging P1.408 billion para sa 2024 o pagtaas ng halos 58%.

Paliwanag naman ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na ang pondo ay para sa state visit at investment roadshow kung saan hindi lamang ang Pangulo ang gagamit nito.

Samantala, sinabi naman ni Senador Joseph Victor Ejercito na habang mina-market ng Pangulo ang Pilipinas sa ibang bansa, dapat umanong ayusin ang airport at iba pang imprastraktura sa bansa dahil ito aniya ang unang titingnan ng mga dayuhang mamumuhunan.

“While the President is marketing the country marami tayong dapat ayusin, airports, infra, yan ang titignan ng foreign investors. Talagang tuloy tuloy pa rin ang massive infra natin,” pahayag ni Ejercito sa virtual interview ng mga reporter.

“I support President Marcos’ idea of really selling the Philippines, announcing to the world that we are open…On our end, dapat ilatag na natin ang mga bagay na tinitignan ng foreign investors,” sambit pa niya. (Dindo Matining)

See Related Story Here:

PBA ayaw sirain relasyon sa mga overseas-based player – Esplana

TELETABLOID

Follow Abante News on