WebClick Tracer

Ez Mil, Eminem collab song inilabas na

Inilabas na ang bagong kanta ni Fil-Am rapper Ez Mil tampok si Eminem!

Unang kanta ito ni Ez Mil matapos pumirma sa music labels nina Eminem at Dr. Dre – ang Shady Records, Aftermath Entertainment at Interscope Records.

Sa “Realest”, ini-rap ni Ez Mil ang tungkol sa pagsisimula ng kanyang career at tagumpay.

Nagbabaga naman ang pagpasok ni Eminem na ini-rap ang tungkol sa pagbangon mula sa mga pambabatikos.

Si Ez Mil o Ezekiel Miller ay isinilang sa Olongapo.

Nakatira siya ngayon sa Las Vegas, Nevada.

Sumikat siya noong 2021 dahil sa viral hit na “Panalo (Trap Carinosa)”.

(IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on