WebClick Tracer

Elijah Canlas may emosyonal na mensahe para sa namatay na kapatid

Emosyonal sa kanyang post sa social media si Elijah Canlas sa pagpanaw ng kapatid niyang si JM Canlas sa edad na 17-anyos.

Katulad ni Elijah, isa ring aktor si JM, o Jamile Matthew Madiclum Canlas.

Bumida siya sa mga pelikulang “Kiko Boksingero” (2017) at “ANi” (2019).

Naging voice actor din siya at ilan sa project niya ay ang “Jet and the Pet Rangers”, at Filipino dubbing ng Netflix series “Stranger Things”.

Hindi binanggit ng kanyang pamilya ang dahilan ng pagkamatay ni JM pero struggling daw ito sa kanyang mental health noong nabubuhay pa.

Sa Facebook post, shinare ni Elijah ang announcement ni Jerom Canlas tungkol sa pagyao ng kanilang utol.

Nilagyan niya ito ng madamdaming mensahe para sa kanilang bunso.

“There’s so much more to be said. But for now… rest well, pinakamamahal kong JM. Walang hanggang patawad at pasasalamat para sa lahat. Mahal na mahal ka namin. Mahal na mahal ka ni kuya. I love you forever and always. Thank you for all your prayers and well wishes.”

(IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on