WebClick Tracer

Duterte bilang special envoy sa China, OK kina Bong Go, JV Ejercito

Sinuportahan ng ilang senador ang panukalang gawing special envoy sa China si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Senador Christopher “Bong” Go, nakausap umano ni Duterte si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Palasyo ilang araw na nakararaan at ikinuwento ang kanilang napag-usapan noong personal niyang bisitahan si Chinese President Xi Jinping.

Sabi ni Go, matibay umano ang ugnayan ni Duterte sa Chinese government at pinagkakatiwalaan siya bilang key player sa pangangasiwa ng relasyon sa pagitan ng dalawang bansa.

“Magkaibigan po sila, magkakaintindihan sila at madali silang mag-usap,” pahayag ni Go.

“I agree with Senator [Alan Peter] Cayetano. He (Duterte) has a good relationship with the leadership of the Chinese government, President Xi (Jinping). They are friends; they understand each other, and they can easily talk to each other,” dagdag niya.

Nauna nang sinabi ni Senador Alan Peter Cayetano na si Duterte pinakamainam na kinatawan ng Pilipinas sakaling magkaroon ng back channeling negotiations sa pagitan ng China at Pilipinas patungkol sa usapin ng West Philippine Sea.

Aniya, ito’y naging maganda relasyon ni Duterte kay Chinese President Xi Jinping noong siya pa ang pinuno ng bansa.

Pabor naman si Senador Joseph Victor Ejercito sa suhestiyon na ito ni Cayetano. “That would be a good suggestion gawin siya [Duterte] super envoy to China, importante kasi dito [communication] lines are open,” ani Ejercito. (Dindo Matining)

See Related Story Here:

Duterte posibleng absent sa SONA ni Marcos

TELETABLOID

Follow Abante News on