WebClick Tracer

Dennis Padilla napapagod nang magmakaawa sa mga anak

Naglabas ng hinanakit sa kanyang mga anak kay Marjorie Barretto ang komedyanteng si Dennis Padilla.

Sa panayam ni Ogie Diaz, inilahad ni Dennis ang sama ng loob sa mga anak na sina Julia, Claudia at Leon.

“Hindi ko maintindihan kung bakit ‘yung mali lang ang nakikita pero ‘yung mga tama na nagawa ko nung mga nakaraan, maliliit pa sila, nakalimutan na nila,” aniya. “Nakakapagod na… napapagod na ako.”

“Saan ka napagod?” tanong ni Ogie sa kanya.

“Sabi mo hanggang kailan, pero may mga oras na napapagod ako. Kaya lang ‘pag dumadating ‘yung mga special dates hindi ko na matiis, hindi ko natitiis.

“Hindi ko alam eh. Ang kailangan kasi sa akin at sa mga bata magkausap nang diretso. ‘Gusto kong malaman n’yo, eto ‘yung buong kuwento. Ito ‘yung buong kuwento sa side ko. Itong kukuwento ko, eto walang edit ito, kumpleto ‘to. Ngayon kung dun sa kuwento ko na ‘to, iba ‘yung alam n’yo at ayaw n’yong paniwalaan ‘tong kuwento ko, okay na rin sa akin, at least nakarating sa inyo. Mamatay man ako bukas, nakarating’,” saad niya.

“Kasi ang mahirap ‘yung ang nalaman n’yo lang na kuwentong buo ‘yung sa kabila eh.

“Minsan, sumasama ang loob ko dahil parang ‘pag pito bang mabuti ginawa ko sa’yo tapos tatlo ‘yung mali, ang natatandaan mo lang ‘yung tatlong mali, eh ‘yung pitong tama, wala?

“Kaya minsan hindi ko alam kung hanggang saan eh. Sabi ko nga, hayaan mo na. Ang importante ngayon eh magpokus muna sa pagtatrabaho kasi kailangan ko, may dalawa pa akong anak na sinusuportahan, maliliit pa,” sambit pa ni Dennis.
(IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on