WebClick Tracer

SB19 hinataw ang ‘Gento’ sa US morning show

Ibang level na talaga ang kasikatan ng Filipino boy band SB19.

Nag-perform ang grupo sa Los Angeles show “KTLA 5 Morning News” nitong Miyerkoles ng umaga (Huwebes sa Pilipinas).

Hinataw nila ang popular nilang kanta ngayong “Gento”.

Na-interview rin ang mga miyembro ng SB19 kung saan kabilang sa pinag-usapan ang sold-out show nila sa Anaheim, California.

Ishinare ng grupo ang ilang photo nila sa naturang show sa social media.

Ang SB19 ay binubuo ng limang member na sina Pablo, Stell, Ken, Justin, and Josh. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on