WebClick Tracer

Rey Valera isinulat 2 kanta sa sementeryo

Isiniwalat ni OPM icon Rey Valera na ilang hit song niya ang isinulat niya sa isang sementeryo sa Meycauayan, Bulacan.

Sabi ni Valera sa “Fast Talk with Boy Abunda”, mahilig siyang tumambay sa sementeryo noong kabataan niya upang hindi mautusan at doon nagsusulat ng kanta.

“Nakikitira lang ako sa kamag-anak, sa Bulacan po ‘yan, sa Meycauayan,” kuwento ni Valera.

“Siyempre kapag nakikitira ka lang sa kamag-anak mo… papel mo boy, inuutus-utusan,” dagdag pa niya.

“Para hindi ako mautusan, pumupunta ako sa sementeryo para gumawa ng kanta, doon kasi tahimik,” aniya pa.

Ang mga kanta raw na isinulat niya sa sementeryo ay ang “Maging Sino Ka Man” at “Naaalala Ka”. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on