WebClick Tracer

Rep. Co tiniyak pag-urirat sa panukalang 2024 budget

Elizaldy Co

Tiniyak ni House Committee on Appropriations chairperson at Ako Bicol party-list Rep. Elizaldy Co na masusing rerepasuhin ng kanyang komite ang bawat aspeto ng panukalang P5.768 trilyong budget para sa 2024.

“The Appropriations Panel is ready to diligently review every aspect of the budget proposal. The committee members understand the weight of their responsibility and are fully devoted to the task at hand,” sabi ni Co.

Ayon kay Co susundin ng kanyang komite ang target ng liderato ng Kamara de Representantes na tapusin ang budget bago ang break ng sesyon sa Oktubre.

“As a united committee, we vow to leave no stone unturned in this rigorous process,” sabi ni Co. “We recognize the magnitude of our task, and we are resolute in our commitment to maintain the highest levels of transparency and accountability throughout the budgetary review.”

Tiniyak din ng mambabatas na magiging transparent ang kanyang komite sa pag-usisa sa budget at tiniyak na ang interest ng bansa at mga Pilipino ang mangingibabaw.

“Being entrusted with the oversight of the nation’s budget is a privilege and a solemn duty. We recognize the significance of this responsibility bestowed upon us by the people,” sabi ng solon.

“It is our duty to earnestly review and thoroughly understand every budget proposal to ensure that it addresses the pressing needs of our people,” dagdag pa nito.

Nakatakdang simulan ng Appropriations committee ang pagdinig sa Agosto 10.

Target naman na masimulan ang deliberasyon sa plenaryo ng panukalang budget sa Setyembre 18. (Billy Begas)

TELETABLOID

Follow Abante News on