WebClick Tracer

Pampasaherong bangka lumubog sa may bahagi ng Polillo island, mga sakay na-rescue lahat

Isang bangka na may lulang 67 katao, na kinabibilangan ng 60 pasahero at pitong crew ang lumubog sa may bahagi ng karagatan sakop ng Sityo Macnit, Barangay Languyin, Polillo, Quezon dakong alauna ng hapon nitong Huwebes.

Ayon sa report ng Philippine Coast Guard, umalis sa port of Real ang motorbanca na Jovelle Express 3 na may lulang mga pasahero at nasa 15 styrofoam boxes ng mga isda at patungo sa bayan ng Patnanungan ng ito ay lumubog matapos na may tumama sa hull nito na hindi pa matukoy na matigas na bagay.

Nabutas ang bangka at pinasok ng tubig.

Kaagad namang nakaresponde ang ilang na naglalayag na sasakyang dagat na malapit sa nasiraang bangka at nagsagawa ng rescue operation at matagumpay na nasagip ang lahat ng pasahero.

Nakipagcoordinate din kaagad ang PCG Patnanungan sa iba pang mga pampasaherong bangka at pinasaklolo sa half submerge na bangka.

Habang isinasagawa ang rescue operation safe naman ang mga pasahero dahil kalahati lamang ng bangka ang lumubog at tumuntong ang mga pasahero sa bahagi ng bubong nito.

Kumpleto rin ang life vest ng motorbanca na nagamit ng mga pasahero.

Tanging mga gamit ng pasahero ang naanod papalayo.

Tumulong na rin ang iba pang mga bangka ng mga mangingisda mula mga katabing lugar sa isla ng Polillo.

Wala ring naiulat na nasaktan o nawawala sa amga pasahero.

Ayon sa PCG, maganda ang panahon at hindi naman malalaki ang alon at walang gale warning sa lugar, kaya pinapayagan na makabiyahe ang mga bangka.

Magsasagawa pa ng imbestigaston ang mga tauhan ng PCG sa nangyaring insidente at aalamin ang dahilan ng paglubog nito.

TELETABLOID

Follow Abante News on