WebClick Tracer

Gobyerno hindi dapat pa-pressure sa US sa Manila Bay reclamation project – Escudero

Walang pakialam ang Estados Unidos sa Pilipinas kaya’t hindi dapat magpa-pressure ang gobyerno kaugnay ng ginagawang reclamation project sa Manila Bay, ayon kay Senador Francis Escudero.

“Una, walang pakialam ang America sa ating bansa. Porke ba blinaklist nila iba-black list na rin natin automatic? May ganung treaty ba tayo sa America,” pahayag ni Escudero sa isang forum sa Senado.

Sabi ng senador, hindi tamang utusan ng US ang Pilipinas dahil lamang sa paniniwalang ang contractor ng naturang proyekto ay sangkot sa pandaraya/

“Kung involve sa fraudulent practices, saan? Saan? Saan ginawa? Sa America or dito. May findings na ba ang Pinas or CIA ng America ang gumawa nun,” ani Escudero.

Nauna nang nagpahayag ng pagkabahala si US Embassy spokesperson Kanishka Gangopadhyay sa posibleng maging negatibong epekto sa kalikasan ng naturang proyekto ng Waterfront Manila Premier Development Inc.

Sabi ng US Embassy, ang paglahok ng China Communications Construction Company Ltd. Sa nasabing proyekto ay nakakabahala dahil sangkot ito sa konstruksiyon ng mga military structure sa West Philippine Sea. (Dindo Matining)

TELETABLOID

Follow Abante News on