WebClick Tracer

Gerald nag-photo dump ng bakasyon nila ni Julia, inurot: ‘Maganda sana kung pakasalan na’

Matapos ang engagement nina Bea Alonzo at Dominic Roque, at kasal nina Maja Salvador at Rambo Nuñez, tampulan ng tukso ngayon ng ilang netizen si Gerald Anderson.

Ito’y matapos mag-flex si Gerald ng ilang litrato ng pagbabakasyon nila ni Julia sa Hong Kong.

Marami ang kinilig sa bagong post ni Gerald ngunit may ilang nang-urot na dapat ay pakasalan na ng aktor si Julia.

Phoebe Davies Ito: “Maganda sana kung pakasalan n sya ni budoy dhil si Bea ikkasal n haha.”

Di Vine: “Mg propose na rin napag iwanan kna ng mga ex mo.. happy ending na cla, ikaw na next daw.”

Alaba Mecate Taurus: ‘Magpapakasal na rin yan kc nagpakasal na c maja at c bea nmn magpapakasal na.”

Sina Bea at Maja ay parehong ex-girlfriend ni Gerald.

Noong March 2021 inamin ni Gerald ang relationship with Julia. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on