WebClick Tracer

Escudero nabahahala sa paggamit ng ATC sa anti-terror law vs Teves

Nakakabahala umano ang hakbang ng Anti-Terrorism Council (ATC) na ilagay si suspended Negros Oriental Representative Arnolfo Teves Jr. at 12 iba pang bilang bahagi ng “Teves Terrorist Group” at bansagang terorista, ayon kay Senador Francis Escudero.

Si Teves at 12 iba pa ay sangkot sa pagpaslang kay dating Negros Oriental governor Roel Degamo.

“Significant itong declaration na ito ng Anti-Terrorism Council. Dahil sa kauna-unahang pagkakataon, binuksan nila ang definition. Pinalawak nila yung definition ng teroristang grupo,” pahayag ni Escudero sa isang forum sa Senado nitong Huwebes.

Ayon sa senador, sa pangkaraniwan, ang terrorist tag ay ibinibigay sa mga kilabot na grupo tulad ng Jemaah Islamiyah, Maute group, Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at Islamic State of Iraq and Syria (ISIS).

Subalit sa desisyon ng ACT, pinalawak nito ang kahulugan ng terrorist group at isinama na ang mga private armed group (PAG).

“Ang direksyon bang pinupunta ng ATC ay sino mang may PAGs (private armed group) ay pwedeng ma-declare na terrorist organization?” tanong ni Escudero.

“DOJ lamang siguro makakasagot niyan. Ito ba ay precedent na, na pwede nang saklawin ng terrorist act ang PAGs,” saad pa niya. (Dindo Matining)

See Related Story Here:

Anti-Terrorism Council hindi takot kay Teves

TELETABLOID

Follow Abante News on