WebClick Tracer

China lilimitahan sa 2 oras pag-cellphone ng mga bata

texting-watching-cellphone

Pinag-aaralan na ng China na limitahan sa dalawang oras kada araw ang paggamit ng mga bata ng cellphone.

Target ng China na mapuksa ang internet addiction at sinisikap na itamin sa mga menor de edad ang “good morality” at “socialist values”, ayon sa ulat ng CNN.

Ang panukala ay inilabas noong Miyerkoles ng Cyberspace Administration of China, ang nangungunang internet regulator sa bansa.

Sa ilalim ng draft rules, oobligahin sa lahat ng mobile device, app at app store na magkaroon ng built in “minor mode” na maglilimita sa pang-araw-araw na screen time ng mga bata.

Ang mga kabataan na naka-minor mode ay awtomatikong magsasara ang mga online application kapag naabot na ang kani-kanilang limitasyon sa oras.

Bukas ang draft rules sa public discussion hanggang Setyembre 2. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on