WebClick Tracer

Bea Alonzo nag-celebrate ng engagement kasama sina Dimples, Beatriz

Napuno ng kuwentuhan at tawanan ang reunion ni Bea Alonzo sa mga kaibigang sina Dimples Romana at Beatriz Saw.

Matapos ang marriage proposal sa kanya ni Dominic Roque ay nagkaroon ng “tapas night with my thursday girls” ang aktres noong July 31.

“Syempre punung puno ng kwentuhan and wedding plans. sarap mangarap! hahahaha love you girls!” saad ni Bea sa Instagram post.

Bago nito’y nag-quick food trip sa Singapore ang BeaDom para i-celebrate ang birthday ni Dominic at engagement nila.

“Literal na tumakbo sa airport after the GMA Gala. We barely made it to our flight! Our trip was short but one of the most unforgettable. Check out the clip where he was ironing my clothes, ganyan po sya magmahal,” ani Bea. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on