WebClick Tracer

3 sugatan sa natumbang mga poste sa Binondo

Tatlo ang iniulat na sugatan matapos matumba ang ilang poste ng kuryente sa Binondo, Maynila nitong Huwebes ng hapon, Agosto 3.

Ayon sa Manila Public Information Office (MPIO), bandang ala-una ng hapon nangyari ang insidente sa Ongpin Street, kung saan pitong poste ang natumba.

“Mayor Honey Lacuna-Pangan is closely monitoring the situation through the Vice Mayor Yul Servo Nieto and other departments of the city government,” saad ng MPIO.

Iniimbestigahan pa ang sanhi ng insidente. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on