WebClick Tracer

Maris Racal ayaw sa pakulo ng Twitter

Hindi aprub para kay Maris Racal ang feature ng Twitter na kapareho ng nasa TikTok.

Sey ni Maris, hindi niya gusto ang ‘for you’ na feature sa social media app ni Elon Musk.

Mukhang natatabunan ang feed ni Maris ng mga tweets mula sa iba’t ibang account na hindi naman niya pina-follow.

“I dont like this “for you” feature on twitter. like, I wanna see tweets of the people I follow not a bunch of random viral tweets,” sey ng aktres.

“WHERE are my people?” hirit pa niya.

Payo naman ng mga netizen, meron pa rin namang following na feed ang Twitter para makita ang tweets ng kanyang mga pina-follow. (RP)

See related stories:

Maris Racal ibinida ang paghataw, pinusuan ng netizens

Mga larawan ni Maris Racal sa Italy, pinagdudahan ni Darren Espanto

Kulitan ni Maris Racal, Rico Blanco patok sa netizens

TELETABLOID

Follow Abante News on