WebClick Tracer

Tinatayang 100K na trabaho malilikha mula sa Malaysia trip ni PBBM

Tinatayang mahigit isang daang libong trabaho at oportunidad ang malilikha para sa mga Pilipino sa naselyuhang investment pledges sa tatlong araw na state visit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Malaysia.

Ito ang inihayag ng Pangulo mula sa $285 million investment pledges na nakuha nito mula sa pakikipagpulong sa malalaking negosyante sa nabanggit na bansa.

Ayon sa Pangulo, marami sa nakausap nitong business leaders ay interesado sa food processing industry, multi-service digital platforms, aviation at aviation maintenance support services sa Pilipinas.

“I’m talking at the very least tens of thousands if not over, more than 1000,000 jobs here,” saad ng Pangulo.

Interesado rin aniya ang mga negosyante na mamuhunan sa manufacturing, logistics, water at wastewater treatment facilities pati na sa imprastraktura na kapag nagsimula na ay tiyak na magbibigay ng maraming trabaho para sa mga Pilipino. (Aileen Taliping)

See Related Story Here:

PBBM: Malaysian investors interesado sa Maharlika Investment Fund

TELETABLOID

Follow Abante News on