WebClick Tracer

Leni Robredo kumpare na si Piolo Pascual

Hindi napigilan ni dating Vice President Leni Robredo na kiligin dahil kumpare na niya ang kanyang lodi na si Piolo Pascual.

Sa kanyang Facebook ay ibinahagi ni Robredo ang ilang larawan sa dinaluhan niyang wedding ni AJ Dee, utol ni Enchong Dee.

Ayon sa former VP, close family friends nila ang mga Dee.

“The Dee brothers – AJ, Enchong and Ice- were swimmers and we have spent years as swimming parents with Sonny and Tess and would hang out by the pool with them everyday. We have seen the boys grow up into fine, young men,” ani Robredo.

Nagbiro pa siyang hindi bale nang pinakamatanda sa mga tumayong ninang dahil kumpare naman niya si Piolo.

“Ako yata pinakamatanda sa mga ninang. Di bale, kumpare ko naman si Piolo Pascual (as a certified Papa P fan) Congratulations, AJ and Olga.”

(IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on