WebClick Tracer

Partnership ng ‘Pinas, Malaysia ile-level up!

Aasahan ang mas maigting na ugnayan at partnership ng Pilipinas at Malaysia sa mga susunod na araw.

Ito ang tiniyak ng Hari ng Malaysia na si Al-sultan ABdullah kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ibinigay na state banquet sa kaniya kasama na ang delegasyon nito.

Ayon kay king Abdullah, matagal ng magkaibigan ang dalawang bansa at parehong nalagpasan ang mga pagsubok kaya dapat na magpatuloy ang maigting na relasyon para sa pakinabang ng kanilang mamamayan.

“It is our fervent hope that the warm relationship will continue to bosom for te mutual benefit of our people and nations,” saad ni King Abdullah.

Kinikilala aniya ng Malaysia ang Pilipinas bilang mahalagang trading partner kung saan ang Pilipinas ang ika-limang pinakamalaking trading partner sa Asya nitong 2022.

Sinabi ng Malaysian King na ang pagbisita ni Pangulong Marcos Jr. ay lalong nagpatibay sa ugnayan ng dalawang bansa at selebrasyon na rin sa malalim na pagkakaibigan ng kaniyang pamilya at sa pamilya Marcos.

Binanggit din ng hari sa kaniyang talumpati si dating Unang Ginang Imelda Marcos dahil sa maayos aniyang paghubog sa kanyang anak bilang magaling na lider pati na rin sa kaniyang apo na ang tinukoy ay si Congressman Sandro Marcos.

Nabanggit din ni King Abdullah ang polo diplomacy noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. kung saan madalas aniya itong magtungo sa Manila para maglaro ng polo.

“Through spirited matches and shared passion, we have fostered camaraderie and understanding among our people. So I hope this polo diplomacy or polo legacy will continue with our children,” saad ni King Abdullah. (Aileen Taliping)

See Related Story Here:

PBBM: Mga ikinakasang MOUs sa Malaysia, tinatrabaho na

TELETABLOID

Follow Abante News on