WebClick Tracer

VP Sara, inirampa damit ng Maguindanaon sa SONA 2023

Sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos ngayong Lunes, nagsuot ng tradisyonal na damit ng Maguindanaon si Vice President Sara Duterte bilang pagpupugay sa tribong Moro na karamihan ay naninirahan sa South Central Mindanao.

Ayon sa Office of the Vice President (OVP), ang damit ng Bise Presidente ay isang Bangala na ipinares sa trouser at flowing inaul o malong.

Dinisenyo ito ng taga-Cotabato City designer na si Israel Ellah Ungkakay.

Tampok sa Bangala ang gold accessories na sumisimbolo ng kayamanan at kasaganaan ng natural resources ng Mindanao.

Ang Inaul naman ay tela ng Maguindanao na maingat na hinabi gamit ang bulak at seda

“It is a treasured cultural gem that profoundly reflects the pride, bravery, heritage, and history of the people of Maguindanao,” dagdag pa ng OVP. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on