WebClick Tracer

Duterte balik ‘Pinas na

Nakabalik na sa Pilipinas si dating Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang ilang araw na pagbisita sa China.

Dumating sa Davao City ang dating Pangulo nitong Sabado, July 22, 2023 kasama sina dating Executive Secretary Salvador Medialdea at Pastor Apollo Quiboloy ng Kingdom of Jesus Christ.

Bumisita sa China ang dating Presidente batay sa imbitasyon ng Chinese government para daluhan ang inagurasyon ng Soledad Roa Duterte Memorial Building sa Fujian Normal University na ipinangalan aa kanyang yumaong ina.

Ang ina ng dating Pangulo ay may lahing Chinese na nagmula sa Fujian province.

Isa sa naging sidelines ng China trip ng dating Presidente ay ang pagkikita nila ni Chinese President Xi Jinping sa Beijing kung saan personal nitong ipinaabot ang pasasalamat sa mga tulong na ibinigay sa Pilipinas. (Aileen Taliping)

Related News:

Tolentino dinepensahan pagbisita ni Duterte sa China

TELETABLOID

Follow Abante News on