WebClick Tracer

Leni Robredo nagpakitang-gilas sa lato-lato

Ipinamalas ni dating Vice President Leni Robredo ang husay niya sa paglato-lato.

Sa isang vlog ay pinagbigyan ni Robredo ang hiling na subukan ang uso ngayong laro ng mga bata.

Makikitang kahit first-time niyang ginawa ay ilang segundong napag-untog ni Robredo ang dalawang bola ng lato-lato.

Sey ni Robredo, natuto siyang maglato-lato sa mga napapanood niya sa social media.

Narito ang reaksiyon ng netizens:

“Omg ang galing naman ni atty. leni mag lato-lato!! SHE’S SO MOTHER FOR THAT!!”

“Omg, ang galing ni Atty. ma’am Leni.”

“Achiever in all forms talaga si Madam.”

“For a first-timer, ang galing ni Atty. Leni maglato lato HAHAHHAHAHA.” (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on