WebClick Tracer

Flight ng mga atleta ng Columban College, kasado na 

Matapos kanselahin ng Cebu Pacific ang kanilang byahe, matutuloy na rin ang flight ng mga atleta ng Columban College.

Matatandaang nag-viral ang Facebook post ng isa sa mga atleta ng Columban College tungkol sa pagkansela ng Cebu Pacific sa kanilang flight.

“I just want to say thank you and also sorry at the same time for disappointing those people who support us during our preparation for NATIONAL PRISAA in Zamboanga City this coming July 11-21 2023. We are not able anymore to represent our region (Region lll) and our school (Columban College) at this kind of huge event this year, due to the cancelations of flights from CEBU PACIFIC.”

“Shout out Cebu Pacific Air ! Maraming pangarap at opportunity ang hindi matutupad at ma gagrab dahil sa inyo.”

Matapos naman umani ng lagpas sa 16,000 shares ang nasabing post, kamakailan lang ay kinumpirma ni Neil Justine A. Angelio na matutuloy na sila papuntang Zamboanga. Pinasalamatan din nito ang mga netizen na nag-share sa kaniyang post.

“JUST IN!!! Maraming salamat po sa lahat ng mga taong nag share at nag spread ng awareness para mapansin ng Cebu Pacific Air Kami po ay matutuloy na papunta sa Zamboanga dahil binigyan po kami ng pansin ng Cebu Pac at napagkaloob na bigyan ng flight na exclusive para sa aming athlete! Maraming Salamat po!”

TELETABLOID

Follow Abante News on