WebClick Tracer

Koko kay PBBM: Water shortage, El Niño talakayin sa SONA, huwag puro Maharlika

koko pimentel

Sa gitna ng nararanasang krisis sa tubig at banta ng El Niño, nanawagan si Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na unahing talakayin ang mga isyung ito sa kanyang nalalapit ng State of the Nation Address (SONA).

“Huwag puro Maharlika Investment Fund,” pasaring ni Pimentel.

Ayon sa minority leader, kailangang apurahing tugunan ang krisis sa tubig at pahupain ang epekto ng El Niño, partikular sa agricultural productivity at sa mga magsasaka.

“The adverse effects of water shortage and El Niño have far-reaching consequences on various sectors of the economy. Past droughts and water crises have caused a significant toll on the economy, business, agriculture, power generation, public health, and natural resources, among others,” pahayag ni Pimentel.

Sa pag-aaral ng Columbia University, halos 70 porsiyento ng bansa ang nakaranas ng matinding tagtuyot nang tumatama ang El Niño noong 1997-1998.

Binanggit din ni Pimentel ang naunanang pahayag ni Union Bank of the Philippines, Inc. Chief Economist Ruben Carlo O. Asuncion na isang matinding El Niño ay maaring magresulta sa national GDP losses na hanggang $3.3 billion.

“These staggering economic implications highlight the importance of proactive and preventive measures to mitigate the impact of the water crisis and El Niño. It is crucial for the President to use the State of the Nation Address as a platform to present long-term strategies and sustainable solutions that can mitigate the effects of water shortage and El Niño,” sabi ni Pimentel.

Nauna nang inamin ni Marcos ang matinding epekto ng water crisis at sinabing mahigit 11 milyong pamilya ang walang access sa malinis na tubig habang papalapit ang dry season.

“The concerns about the impending water shortage and El Niño phenomenon were made earlier. Ano na ang ginawang hakbang ng gobyerno?” ani Pimentel.

“As I said before, the government should take an anticipatory approach and not merely be passive in addressing these challenges,” sambit pa niya.

Umapela din si Pimentel sa publiko na magtipid sa tubig at kuryente ngayong kritikal na panahon.

“These problems need immediate attention and concerted efforts from both the government and the public. I implore each of us to conserve water,”ayon pa senador. (Dindo Matining)

TELETABLOID

Follow Abante News on