WebClick Tracer

SMNI sumulpot ulit sa YouTube

Nagbalik ang Sonshine Media Network Inc. (SMNI) ni Pastor Apollo Quiboloy sa YouTube matapos mabura ang kanilang channel.

Isang araw matapos mapaulat na nawala ang YouTube channel ng SMNI, gumawa ulit ng bagong account ang media network ng Kingdom of Jesus Christ founder.

Ang bagong YouTube channel ay mayroon na agad na halos 2,000 subscriber.

Biglaang naglaho sa video sharing platform ang YouTube channel ng SMNI kasunod din ng pagkabura ng personal na channel ni Quiboloy.

Matatandaan na may isang content creator ang nagbigay-alam sa YouTube na wanted si Quiboloy ng Federal Bureau of Investigation (FBI).

Ito’y dahil sa ilang kasong kinasasangkutan ng pastor tulad ng sex trafficking.

Dahil dito’y binura ng YouTube ang channel ni Quiboloy dahil sa paglabag sa community guidelines. (RP)

See Related Story Here:

SMNI News ni Quiboloy binura na rin ng YouTube

TELETABLOID

Follow Abante News on