WebClick Tracer

Jake Cuenca humanga sa pagrampa ni Chie Filomeno

Humanga ang aktor na si Jake Cuenca sa pagrampa sa kalsada ni Chie Filomeno.

Sa Instagram post ng dalaga, makikitang feel na feel nito ang kaniyang pagrampa kahit na ito ay nasa kalsada. Ibinida pa nito ang suot niyang kwintas at bracelet.

“Dressy casual? Okay, we gotcha”

“Wait, tawid lang ako. Oooh me and my love for pedestrian lanes…” sey ng dalaga.

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by C H I E (@chiefilomeno)


Nagkomento naman si Jake sa nasabing post at sinamahan pa ito ng emoji.

“Breathtaking.”

Samantala, noong nakaraang buwan, inamin ng dalaga na wala pa silang label ni Jake.

“We are talking, nag-uusap kami po,” sey ni Chie sa programang ‘Magandang Buhay’.

Tinanong naman ni Regine Velasquez kay Chie kung ano na ang label nila ng aktor.

“Ano ba label?”

“Wala pang label, wala pa.” sagot ng dalaga.

(CS)

See Related Story Here:

Chie Filomeno, Jake Cuenca wala pang label

TELETABLOID

Follow Abante News on