WebClick Tracer

SMNI News ni Quiboloy binura na rin ng YouTube

Matapos i-shutdown ng YouTube ang personal channel ni Pastor Apollo Quiboloy, ang account ng pag-aari naman niyang SMNI News ang binura ng video sharing platform.

Matatandaang noong June 2023 isang content creator ang nangalampag sa YouTube upang mabura ang YT channel ni Quiboloy dahil sa pagiging wanted nito sa Federal Bureau of Investigation (FBI).

Kasama si Quiboloy sa listahan ng mga suspected sex trafficker ng Amerika.

Kasunod nito’y ang YouTube channel naman ng SMNI News ang pinuntirya ng netizens at pinasasara.

Tila tumugon na ang YouTube sa hiling ng netizens dahil kapag binisita ang SMNI News sa YouTube ay hindi na ito makikita.

“This account has been terminated for a violation of YouTube’s Terms of Service,” nakasaad sa notice na naka-post sa SMNI channel.

Maliban sa YouTube, nauna na ring binura ng TikTok ang account ni Quiboloy.

Ibinahagi sa Twitter ni @DuterteWatchdog, ang pagpapalayas ng TikTok kay Quiboloy.

“It seems that TikTok has taken down Pastor Apollo Quiboloy’s account after I have tipped them with the FBI warrant and the Global Magnitsky Act sanctions.” (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on