WebClick Tracer

Team USA nasungkit si Josh Hart

Muling nakakuha ang Team USA ng isang manlalaro na magpapatibay sa kanilang depensa matapos sumali ni Josh Hart sa nasabing koponan.

Si Hart ay kasalukuyang naglalaro sa New York Knicks.

“New York Knicks G Josh Hart has committed to the final roster spot on the 12-man Team USA FIBA World Cup team this summer in the Philippines,” ayon kay Adrian Wojnarowski ng ESPN.

Sasamahan ni Hart sa Team USA sina Cam Johnson at Mikal Bridges ng Brooklyn Nets, Walker Kessler ng Utah Jazz, Jaren Jackson Jr. ng Memphis Grizzlies, Brandon Ingram ng New Orleans Pelicans, Austin Reaves ng Los Angeles Lakers, Anthony Edwards ng Minnesota Timberwolves, Tyrese Haliburton ng Indiana Pacers at Bobby Portis ng Milwaukee Bucks.

Makakatapat ng USA sa Group C ang Jordan, Greece at New Zealand.

Ang FIBA World Cup ay gaganapin sa Pilipinas, Japan at Indonesia mula Agosto 25 hanggang Setyembre 10. (CS)

See Related Story Here:

Paolo Banchero tutulungan ang Team USA

TELETABLOID

Follow Abante News on