Nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng 295 rockfall events at tatlong volcanic earthquakes sa Mayon Volcano sa nakalipas na 24 oras.
Bukod dito, patuloy pa rin ang mabagal na pagdaloy ng lava.
Samantala, nasa ilalim pa rin naman ng Alert Level 3 ang Mayon Volcano.
Ayon naman kay Dr. Paul Karson Alanis, resident volcanologist ng Phivolcs Mayon Volcano Observatory, maituturing umano na nasa “ICU” ang Mayon Volcano.
“Overall, maaari nating ikumpara ang Mayon na nasa ICU, hindi nagi-improve pero hindi rin nag de-deteriorate,”
(CS)
See Related Story Here: