WebClick Tracer

Rep. Duterte itinulak mas maraming highly technical skilled professional sa PNP

Itinulak ni Davao City Rep. Paolo Duterte ang panukala upang makapasok ang mas maraming highly skilled professional sa Philippine National Police (PNP) sa pamamagitan ng lateral entry program.

Ayon kay Duterte ang mga propesyonal gaya ng aeronautical engineer, molecular biologist, at mga information technology (IT) expert ay makatutulong upang mas maging epektibo ang PNP sa pagtugon nito laban sa mga krimen.

“The hiring of professionals with highly technical qualifications, which will be done through the PNP’s lateral entry program, will significantly help the police organization keep people safe from crime and other threats to public safety at a time when criminals have turned to technology and other sophisticated means to commit their illegal acts,” sabi ni Duterte.

Inihain nina Duterte, Benguet Rep. Eric Yap at ACT-CIS party-list Rep. Edvic Yap ang House Bill 7686 upang amyendahan ang DILG law (Republic Act 6975) upang mapalawak ang lateral entry program.

Sa ilalim ng HB 7686, ang mga nagtapos ng PNP Academy ay bibigyan na rin ng inisyal na ranggong Police Lieutenant sa halip na Police Inspector. (Billy Begas)

See Related Story Here:

TELETABLOID

Follow Abante News on