WebClick Tracer

Struggle ‘pag biniyayaan! Xyriel Manabat mas bet maging flat chested

Xyriel Manabat

Nag-open up si Xyriel Manabat tungkol sa pagkakaroon ng malaking dibdib.

Sa panayam ni Ogie Diaz sa young actress, sinabi ni Xyriel na talagang mahirap magkaroon ng malaking boobey kahit pa maraming kababaihan ang gusto nito.

“Sa totoong buhay po, ansakit po sa likod. Back pains, nakukuba po talaga… mahirap po talaga siya,” wika ni Xyriel.

Kung papapiliin nga raw siya ay mas gusto niya na maging flat chested dahil mas madali raw itong bihisan at iwas na rin sa sakit ng katawan.

“Flatchested, mas less wardrobe malfunction. Hindi po dahil sa attention o dahil sa pagiging sexy ibabase ah, ‘yung practicality po (pag malaki dibdib)body pain, struggle po siya,” lahad pa ng dating child star.

May mensahe din si Xyriel sa mga nangbo-bodyshame sa kanya.

Sey ni Xyriel, sana raw ay hindi siya ikahon ng public dahil sa kanyang body type, dahil minsan daw ay may nakakapareha siyang damit sa ibang celebrity, pero siya raw ay pinupuna dahil nagmumukhang sexy ito sa kanya.

“Okay lang po na hanggaan nila, okay lang po na ma-notice nila, pero ‘wag nilang bibigyan ng double standard na parang dapat ito lang ako kasi sila ganito lang,” lahad ni Xyriel. (RP)

See Related Story:

Xyriel Manabat gustong lektyuran mga manyak