WebClick Tracer

Conor McGregor inakusahan ng pangmamanyak sa banyo

Conor McGregor

Inakusahan ng sexual assault si UFC fighter Conor McGregor sa Game 4 ng NBA Finals sa pagitan ng Denver Nuggets at Heat sa Miami.

Base sa legal letter na nasilip ng BBC, nangyari raw ang insidente sa VIP men’s bathroom ng Kaseya Center noong June 9.

Ayon sa abogado ni McGregor na si Barbara Llanes, wala raw katotohanan ang alegasyon.

Naglunsad na ng imbestigasyon ang Miami Police, gayundin ang Heat.

Base sa legal letter, tumulong pa raw ang security ng liga at ng Heat para sapilitang ipasok ang babae sa men’s bathroom. Doon daw siya pinaghahalikan ni McGregor.

Nakawala raw ang babae pero naiwan ang purse, kalaunan ay nabawi rin nang makiusap sa security guards.

Sa laro ding ‘yun na-headline si McGregor dahil sa pananapak kay Heat mascot Burnie.

Stunt lang sana ‘yun sa pino-promote ni McGregor na pain relief spray pero ginanahan yata ang dating UFC champion at tinotoo ang sapak sa mascot na naospital pagkatapos. (Vladi Eduarte)

TELETABLOID

Follow Abante News on