WebClick Tracer

Mark Villar: Bigyan ng mental health program ang mga guro

Naghain si Senador Mark Villar ng isang panukala na naglalayong magbigay ng mental health program at assessment para sa mga guro.

Sa Senate Bill 2258, nais nitong paigtingin ang pagsulong at pagbigay ng mental health services para sa mga guro sa pamamagitan ng pagbuo ng mga programa at serbisyo.

“Teachers have long been considered as heroes because of their indispensable contribution to life and to the well-being of the youth. However, despite being considered as heroes, teachers can be victims too—victims of trauma, mental and emotional fatigue that they usually keep to themselves,” sabi ni Villar.

Ang nararanasang trauma na ito umano ay nakakaapekto sa mental health ng mga guro. Naapektuhan din umano ang mental health ng mga guro dahil sa bigat at haba ng kanilang trabaho.

“These constant stresses might have an adverse effect on one’s physical and emotional well-being. Additionally, there is lack of assistance from coworkers and support from the administration in recognizing the mental health of the teacher, which makes it more difficult for them to seek help and to ease their sufferings,” ani Villar.

Sa ilalim ng panukala, ang Department of Education, sa pakikipagtulungan ng Department of Health at ng Philippine Mental Health Association ang magbubuo at magsusulong mga mental health program at services para sa mga guro.

Kabilang dito ang regular na mental health assessment sa bawat semester; regular counseling sessions; pagkakaroon ng stress-reduction programs; access sa peer support groups at mentoring programs sa mga guro; periodic seminars sa pangunguna ng mga mental health professionals; pagtatatag ng Mental Health and Wellness Liaisons; at pagsusulong ng work-life balance. (Dindo Matining)

TELETABLOID

Follow Abante News on