WebClick Tracer

Yamsuan nakukulangan sa sorry ng Meralco sa NAIA power outage

Nakukulangan si Bicol Saro party-list Rep. Brian Raymund Yamsuan sa paghingi ng tawad ng Manila Electric Company (Meralco) sa nangyaring power outage sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong Biyernes.

Ayon kay Yamsuan, dapat ay magkaroon ng “extraordinary diligence” ang Meralco sa ibinibigay nitong serbisyo sa NAIA dahil ang publiko ang naapektuhan.

“Lubhang pag-iingat o extraordinary diligence ang dapat na hindi makalimutan ng Meralco pagdating sa pagbibigay ng serbisyo sa publiko. Meralco is a business imbued with public interest. It cannot be lax or reckless in doing its job,” sabi ni Yamsuan.

Humingi ng paumanhin ang Meralco at sinabi na nagkaroon ng pagkakamali ang tauhan ng MServ na nagresulta sa pagkawala ng suplay ng kuryente sa NAIA Terminal 3.

Ang MServ ay isang subsidiary ng Meralco na nagsasagawa ng system audit sa electrical facility ng NAIA.

Para kay Yamsuan, maaaring hindi umano sapat ang sorry lang.

Ayon kay Yamsuan, sa ilalim ng New Civil Code, ang isang kumpanya ay maaaring papanagutin sa pinaslang dulot ng kanilang empleyado.

“We have been pounding at MIAA officials and blaming them for the power outages at the airport during the congressional hearings held on this issue. Now that Meralco is at fault, is an apology enough?” dagdag pa ni Yamsuan.

Bagama’t ang nangyari umano noong Biyernes ay hindi kasing lala kumpara sa mga naunang insidente, nabahiran pa rin nito ang imahe ng bansa sa mata ng international community. (Billy Begas)

See Related Stories Here:

MIAA: Aircon ng NAIA hindi kasali sa paaandarin ng mga genset

Yamsuan pinamamadali sa Senado panukalang bubuhay sa industriya ng asin

TELETABLOID

Follow Abante News on