WebClick Tracer

Ex-President Duterte dedma sa Hall of Fame award

Hindi dumalo si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa isang event na inorganisa ng isang grupo ng Chinese sa bansa na ginanap sa Manila Hotel nitong Huwebes.

Ang dating Pangulo ay hall of fame awardee sa 2023 Awards for Promoting Philippines-China Understanding.

Ang tumanggap ng award nito ay si dating Executive Secretary Salvador Medialdea.

Hindi naman binanggit ng dating opisyal ang dahilan ng hindi pagsipot ni dating Pangulong Duterte sa event.

Dumalo rin sa okasyon ang ilan sa mga dating miyembro ng gabinete ng Duterte administration gaya nina dating Communications Secretary Martin Andanar, Secretary Benjamin Diokno at Medialdea.

Panauhing pandangal sa okasyon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. (Aileen Taliping)

TELETABLOID

Follow Abante News on