Tinulungan ng tanggapan ni Davao City Rep. Paolo Duterte ang mahigit 3,000 indibiduwal upang makakuha ng benepisyo mula sa Tulong Panghanapbuhay sa ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Ayon sa tanggapan ni Duterte nasa 5,430 indibidwal ang nag-aplay sa programa ng DOLE. Tumulong ang opisina ng mambabatas sa pagsasagawa ng assessment matapos na sumailalim sa profiling ang mga aplikante.
Batay sa impormasyong nakuha ng opisina ni Duterte, 3,422 indibidwal na ang nakakuha ng cash aid mula sa TUPAD. Kasama sa mga natulungan ang mga karpintero, obrero, shine boy, street vendor, at mga biktima ng sunog.
Nagpapatuloy umano ang TUPAD payout at libu-libo pa ang inaasahang mabibigyan ng tulong.
Ang TUPAD ay isang support program para sa mga indibidwal na may limitadong oportunidad na kumita at mga seasonal worker. Nagbibigay ito ng pansamantalang trabaho na mula 10 hanggang 30 araw.
Kasama sa mga trabahong ito ang pagtatanim ng puno, paglilinis ng kanal, pag-aayos ng hardin at pagsasaayos ng mga tourist attraction. (Billy Begas)
See Related Stories:
Paolo Duterte humirit ng discount para sa kumukuha ng driver’s license
Paolo Duterte may P1M pabuya para maaresto rapist-killer ng architect
Paolo Duterte may mensahe sa mga pulis na nagtapos ng leadership course