Inaprubahan na ng National Economic and Development Authority (NEDA) Board ang extension project ng Tarlac, Pangasinan, La Union Expressway (TPLEX) na magdaragdag ng 59.4 kilometrong highway mula Rosario, Pangasinan hanggang Ilocos Norte.
Sa press briefing sa Malacanang, sinabi ni NEDA Director General Secretary Arsenio Balisacan na target nilang makumpleto ang proytekto sa loob ng termino n i Pangulong Ferdinand Marcos jr.
Ang TPLEX extension project ay popondohan ng P23.4 billion at inaasahang magpapaigting ng mga aktibidad -pang ekonomiya mula La Union hanggang sa Ilocos Norte.
“The NEDA Board has approved the TPLEX extension project. This project will connect the Ilocos Region, Central Luzon and Metro Manila , and is expected to stimulate economic activity, alleviate road congestion, provide better and safer road access, and promote the development of new growth centers in nearby regions,” ani Balisacan.
Sinabi ng kalihim na sa ngayon ay mayroong nakalinyang 194 projects ang administrasyon, 68 dito ang kasalukuyang ginagawa at siyam naman ang nakasalang sa NEDA Board.
Sinabi ni Balisacan na inaasahang maaprubahan ang siyam na mga proyekto bago ang State of the Nation Address ng Pangulo sa July 24, 2023.
See Related Stories:
Checkpoint sa TPLEX ininspeksyon ni Eleazar
(Aileen Taliping)