Nagpahayag ng suporta si Toni Gonzaga sa mga original host ng “Eat Bulaga” na sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon matapos ang pagkalas sa producer na TAPE Inc.
Nag-post si Toni ng litrato niya kasama ang iconic trio TVJ, na tinawag niyang “Noontime Kings”.
Sey ni Toni sa kanyang IG Story, “Noontime kings forever.”
Bago naging sikat na celebrity sa bakuran ng ABS-CBN, naging parte si Toni ng EB noong 2002.
Lumipat siya sa Kapamilya Network noong 2005 at naging main host ng “Pinoy Big Brother” hanggang 2022.
Mayo 31, 2023, ginulat ng TVJ ang mga tagasubaybay nang ianunsyo ang pakikipaghiwalay sa TAPE.
Pagkatapos ay nagbitiw na rin ang iba pang host at buong production staff ng longest noontime show.
See Related Stories:
PTV 4 inalok ng bahay ang TVJ, ‘Eat Bulaga’
(IS)