Nagulantang ang mga follower ni Lian Paz sa bombang pinasabog niya patungkol sa mga anak nila ni Paolo Contis.
Sa kanyang Instagram page, proud na ibinahagi ng former EB Babes member ang mga larawan at video na kuha sa elementary graduation ni Xalene, at recognition ceremony ni Xonia.
Nag-Top 1 sa klase at overall top achiever sa first year high school si Xonia.
Kasama ni Lian na umakyat ng stage ang fiance niyang si John Cabahug.
Sina Xonia at Xalene ay mga anak ni Lian sa dating asawang si Paolo Contis.
Todo bati ang followers ni Lian sa achievements ng mga anak ngunit may ibang pumuna sa certificate na natanggap nina Xonia at Xalene, kung saan nakalagay na apelyidong “Contis”.
“Bitbit pa apelyido wala naman ambag ahahaha anyway congrats.. you have long way to go.. Aim high!” saad ng netizen na si purple_riz.
Hindi inaasahan ang naging reply dito ni Lian.
“Asking na nga po ang mga bata to have it changed (crying face emoji),” ani Lian.
Sinuportahan ito ng ilang follower niya.
“Good! He doesn’t deserve it. John deserves all the honor for being a great dad to them.”
“Push na ma’am.”
“Mam go pls… They deserve it… Push mo po mam.. kasama mo po kaming mag pray.”
Sa isang panayam ni Boy Abunda kay Paolo noong Enero 2023, inamin ng aktor na hindi siya nagbibigay ng sustento kina Xonia at Xalene ngunit nag-iipon naman daw siya ng pera para sa mga ito.
“Hindi. I don’t give. Again I had my reasons why, but I’m saving for them,” sambit ni Paolo.
“I have some savings for them that hopefully one day I could give them straight,” dugtong pa niya.
See Related Stories:
Lian Paz inalala paghingi niya ng diaper, gatas na pamasko para sa mga anak niya kay Paolo Contis
(IS)