WebClick Tracer

Mark Villar nautal sa tanong kung handa pamilya na mamuhunan sa Maharlika

Hindi direktang nakasagot at nautal si Senador Mark Villar nang tanungin siya kung handa ang pamilya nila na mamuhunan sa isinusulong niyang Maharlika Investment Fund (MIF).

“Ahhh… If it kung puwede… I don’t know, depende eh… hindi ko kayang sagutin… hindi ko kayang sagutin ‘yung tanong para sa business,” ani Villar sa panayam sa programa nina Ted Failon at DJ Chacha sa TV5 nitong Hunyo 1.

Pero ani Villar, magandang investment ang MIF.

Muli siyang tinanong ni DJ Chacha na kunyari ay hindi ito senador at mayroon nang MIF, handa raw kaya ang pamilya Villar na mamuhunan dito?

“Kung wala namang ano… kung allowed naman… I would invest in the fund,” saad ni Villar.

Nauna nang tiniyak ni Villar, sponsor ng panukalang MIF bill, na protektado ang pera ng taumbayan dahil sa dami ng safeguards na nakapaloob dito.

“Meron po tayong internal/external auditor. Meron po tayong board of directors, merong oversight ng Congress, ng Senate, under POA ng COA ang Maharlika fund. So marami po tayong safety devices o safety guidelines,” pahayag ni Villar sa isang press conference, ayon kay Abante reporter Dindo Matining. (IS)

See Related Stories:
Villafuerte: Agenda for prosperity ni Marcos luminaw sa Maharlika Investment Fund

TELETABLOID

Follow Abante News on