Muling nabuhay ang bangayan ng Team Bea at Team Julia matapos mapabalitang si Julia Barretto ang ipapalit kay Bea Alonzo sa movie katambal si Alden Richards.
Bibida ang Asia’s Multimedia Star kasama si Julia sa Pinoy version ng Korean film na “A Moment to Remember” na may title umanong “Special Memory”.
Matatandaang sa programang “Fast Talk With Boy Abunda” nitong May 2, kinumpirma ni Tito Boy hindi na matutuloy ang pagsasama nina Bea and Alden sa movie.
Aniya, dahil ito sa problema sa schedule ng aktres.
“Hindi matutuloy ang pelikulang gagawin ni Alden Richards at ni Bea Alonzo… nag-beg off po si Miss Bea Alonzo from doing the film dahil sa schedule problems. Ang sinasabi lamang ni Bea at ng kanyang management, ayaw ni Bea mag-antay ang cast because of her, and because of her schedule. So, it’s a schedule problem,” saad ng King of Talk.
Naging national issue noong 2019 ang hiwalayan nina Bea at Gerald Anderson kung saan si Julia ang tinuturong dahilan.
Dahil sa pagpalit ni Julia kay Bea sa movie, muling nagbangayan ang mga supporter ng dalawa.
“Julia – 2 pts Bea – 0 Naagawan ulet si bea…”
“Umayaw si Bea kasi may iba siyang priorities kaya wala siyang paki. May plano na din mag settle down soon hindi na niya magagawa lahat at pinipili na niya yung mga gusto niyang gawin.”
“Puputak na naman ang mga bea fans na inagaw walang agawan na naganap!”
“Ano inagaw eh umayaw na si Bea hahhaha.”
“Tagasalo haha.”
“Just like in real life always second option.”
“Hehe what a coincidence nmn sila tlg nagpalitan.”
See Related Stories:
Alden wapakels sa tsismis na bading: ‘Wala akong kailangang patunayan’
(IS)